Takdang Aralin sa Filipino 11: "Parisian's Life" ni Juan Luna



Nagustuhan ko ang "Parisian's Life" ni Juan Luna hindi dahil sa ganda ng pagpinta nya dito kundi sa ipinapakita nito. Tingin ko ay napaka-misteryoso ng obrang ito. Nang nag-research ako tungkol sa "Parisian's Life", nalaman ko na ang tunay na paksa na mahalaga para sa ating mga Pinoy dito ay hindi ang babae sa gitna ng obra kundi ang 3 lalaki sa may likod. Ang lalaking halos naka-talikod ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang lalaki sa gitna ay si Juan Luna mismo. Ang huli ay Dr. Ariston Bautista Lin.

Para sa aking ay napaka-misteryoso ng "Parisian's Life". Sino ang babaeng nasa obra? kanino ang jacket na nasa tabi niya? Alam kaya ng babaeng ito na nahuli niya ang puna ng isa sa pinaka-dakilang pintor ng Pilipinas?

Parang tadhana na lamang ang nagdala sa babaeng ito sa parehong lugar kung nasaan si Juan Luna, Jose Rizal at Ariston Lin. Sa obrang pininta ni Juan Luna ay naipakita ang isang walang kamuwang-muwang na babae na sa isang araw na walang pagkakaiba sa mga araw na dumaan sa buhay niya ay nakalapit siya sa isa sa mga dakilang pintor natin at sa magiging pambansang bayani ng Pilipinas.

Ang ganda ng obrang ito hindi ba? Para na rin sinabi sa obra na ang isang estrangherong naka-krusan mo ng landas ay may magagawa palang malaking "impact" sa maraming buhay.

0 comments:



Post a Comment